Kami ay isa sa mga nangunguna sa industriya sa larangan ng paglikha at pag proseso ng datos para sa pagsasanay ng AI at Tala-angkanan.

Itinatag noong taong 2004, ang Lifewood ay isa sa mga nangunguna sa pagbibigay ng teknolohiyang AI at naaakmang datos para sa pagsasanay ng Machine Learning at Artificial Intelligence ng mga pinakamalaking kumpanya ng AI sa China. Mayroon kaming kakayahang gawin ang mga kumplikado at iba’t-ibang uri ng datos kaakibat ang kalidad at katumpakan na inaasahan sa amin ng aming mga kliyente kabilang na ditto ang mga nangunguna sa mundo ng AI at mga nagsisimula pa lamang na pumasok sa larangan ng AI.

Bukod sa pagbibigay ng mga datos para sa pagsasanay para sa mga kumpanyang AI, ang Lifewood ay mayroon ding serbisyo sa Business Process Outsourcing (BPO) tulad ng data entry, pag-scan, at pag-index para sa mga organisasyon sa pagproseso ng medikal claims, tala-angkanan, pananalapi at iba pang mga industriya.

Ang Lifewood ay may tanggapan sa Honkong at nagpapatakbo ng isang makabagong Data Processing Center sa Tsina at may mga tanggapan din sa iba't ibang mga rehiyon ng mundo kabilang ang Asya, Estados Unidos at Europa. Sa Lifewood, sinisikap naming magbigay sa mga pandaigdigang korporasyon at mga bagong umuusbong na negosyo ng mga makabagong serbisyo upang tulungan ang pagpapalago ng mahusay na estratehiya sa negosyo at teknolohiya sa harap ng ating pabago-bagong kapaligirang dihital. Sa pamamagitan ng pagdadala ng mga dalubhasa mula sa magkakaibang larangan at pagdaragdag ng mga nangungunang teknolohiya sa pinakamainam na paggamit, ang Lifewood ay tumutulong sa patuloy na lumalagong listahan ng mga kliyente na naghahangad na makamit ang kahusayan, katipiran, malawak na kadalubhasaan at mabils na pagpapabuti ng pagganap sa kani-kanilang larangan.


Pangunahing milestones ng kumpanya